Letra Misteryoso - Cup of Joe
Oh, 'eto ka na naman
Umiiwas ng tingin
Laging nakatanaw sa mga tala't
Nakadungaw sa bintana
Kailan mo ba magagawang
Italiwas sa dilim?
Ang natatanging kagandahang
Nababalot ng hiwagang
Humalina sa akin
Kahit na ika'y hindi ko maintindihan
Nais masilayan ang iyong mga matang
Puno ng lihim at ng kislap
Mananatili na nga lang bang isang estranghero
O pagbibigyan ang puso kong
Natotorete sa 'yo?
Hindi alam kung bakit ba ‘ko nabighani sa iyo
Hindi alam kung bakit ba gan'to kahit na alam kong
Mukhang wala rin naman itong patutunguhan
Kahit pa ilaan lahat ng oras sa 'yo
Hindi titigil hanggang ako na ang dahilan ng 'yong ngiting
Misteryoso
Oh, araw-araw na lang
Akong bumubulong sa hangin
Ilang awit pa ba ang isusulat?
Wala na bang hangganan?
Kailan mo ba mapapansin?
Nais masilayan ang iyong mga matang
Puno ng lihim at ng kislap
Mananatili na nga lang bang isang estranghero
O pagbibigyan ang puso kong
Natotorete sa 'yo?
Hindi alam kung bakit ba ‘ko nabighani sa iyo
Hindi alam kung bakit ba gan'to kahit na alam kong
Mukhang wala rin naman itong patutunguhan
Kahit pa ilaan lahat ng oras sa 'yo
Hindi titigil hanggang ako na ang dahilan ng 'yong ngiting
Misteryoso
Mga mata'y nagkatagpo
Habang naglalaban ang hiwaga ng liwanag at ng dilim
Nang 'yong biglang napagtanto na ikaw na rin pala ay narahuyo
'Di maipaliwanag kung bakit nabighani sa iyo
Walang rason, walang pero, basta ito ay totoo, hah
'Di akalaing makakapiling ko ang 'sang katulad mo
Tila isang engkantong laging hinahanap-hanap ko
O, giliw, tanging ikaw ang patutunguhan
Kahit pa salungat ang aking oras sa 'yo
'Di makapaniwalang ako na ang dahilan ng 'yong ngiting
Misteryoso
Da-ram, da-ra-ra-dam
Misteryoso, oh-oh
Oh-oh-oh
Misteryoso
Top 5 canciones de Cup of Joe
Estas son algunas de las canciones más escuchadas de Cup of Joe. Si te gustó "Misteryoso", también puedes leer sus letras, conocer sus colaboraciones y explorar su discografía completa en QLETRAS.COM.
Letras de canciones más vistas
Artistas más populares
Lee la letra completa de Misteryoso interpretada por Cup of Joe. Descubre el video musical, la información del sencillo y explora más letras, álbumes y colaboraciones del artista en QLETRAS.COM.