Kumunoy - Pablo (SB19)

Letra de Kumunoy - Pablo (SB19)

INFORMACIÓN DEL SENCILLO:

​"Kumunoy"​ es una canción interpretada por ​Pablo (SB19), publicada en el álbum ALON. 

Fecha de lanzamiento: 13 de septiembre del año 2024. 

Letra Kumunoy - Pablo (SB19)

Sa daming iniisip ay hindi mapaliwanag ang bigat ng aking nadarama
At sa aking paglaban para bang lalo akong unti-unting hinihila pababa
Animo'y isang bomba, puso kong nangangamba at anumang oras ay puputok na
Ba-ba-ba-ba-ba-ba-ba, kaya pa ba-ba-ba-ba-ba-ba? (Yeah)

Pagod na sa paglakad ang aking mga paa
'Di ko naman alam kung sa'n papunta
Ako'y nawawala na, gusto ko nang mawala na
Nang lahat ng ito'y matapos na
Ginawa ko naman ang lahat pero 'di pa rin sapat
Ako'y hirap na hirap nang huminga
Ba-ba-ba-ba-ba-ba-ba
Ano pa ba-ba-ba-ba?

'Di ko maintindihan, tinik sa'king lalamunan
Pa'no nga ba maibsan bigat ng aking nararamdaman?
Gusto ko nang sumuko, 'di na kaya ng puso
Nagdidilim na'ng paligid ko
Wala 'kong magawa, nahulog na sa isang

Kumunoy, ito'ng pakiramdam ng nasa kumunoy
Lalo lang lumalala, pilitin ko mang lumangoy
'Di pa 'ko nakakita pero 'lam kong ito'y kumunoy
Kumunoy, kumu— kumu— kumunoy
Nawawala na ang liyab at init ng aking apoy
'Di ko na alam kung pa'no ko pa nga itutuloy
'Di pa 'ko nakakita pero 'lam kong ito'y kumunoy
Kumunoy, kumu— kumu— kumunoy

'Di na bago sa'kin ang pakiramdam ng nasa baba
Mabigat ang dala dahil ang puso'y bato na
At habang buhay kong papasanin
Kahit ga'no pa kalalim buntong-hininga, patuloy kong ibubuga
Buga, buga, sige, subok kong ubra
Kahit may boses pa na magsabing "'La kang kwenta"
Alam kong may pag-asa, liwanag ma'y wala pa
Paulit-ulit man ang pasakit, ako'ng gagawa ng himala
Patuloy akong lalangoy sa dagat ko ng luha
Gano'n-gano'n lang, ano ba'ng inaakala niyo?
Kahit na yurak-yurakan pa'ng pangalan ko
'Di na mababasag aking pagkatao
Matagal ko na ring iniisip 'to
Sabihin niyo nga sa'kin kung ano'ng mali ang ginawa ko
Sawang-sawa na 'to, kayo na'ng panalo
Lubayan niyo na 'ko, lubayan niyo na 'ko (Lubayan niyo na 'ko)

'Di ko maintindihan, tinik sa'king lalamunan
Pa'no nga ba maibsan bigat ng aking nararamdaman?
Gusto ko nang sumuko, 'di na kaya ng puso ('Di na kaya)
Nagdidilim na'ng paligid ko
Wala 'kong magawa, nahulog na sa isang

Kumunoy, ito'ng pakiramdam ng nasa kumunoy
Lalo lang lumalala, pilitin ko mang lumangoy
'Di pa 'ko nakakita pero 'lam kong ito'y kumunoy
Kumunoy, kumu— kumu— kumunoy
Nawawala na ang liyab at init ng aking apoy
'Di ko na alam kung pa'no ko pa nga itutuloy
'Di pa 'ko nakakita pero 'lam kong ito'y kumunoy
Kumunoy, kumu— kumu— kumunoy

Oh-ooh-woah, kinakailangan ko ng tulong mo, oh
Pasensya na't nakalimutan ko
Na lagi lang kayong nariyan sa aking tabi
Pamilya, kaibigan na nagmamahal, nagsisilbing
Ilaw sa tuwing magulo kong mundo'y nagdidilim
Salamat, oh, aking Ama, ako'y makakaahon rin (Oh)

Kumunoy, tuluyan nang mawawala ang kumunoy (Mawawala na, mawawala na)
Kita na'ng liwanag, magpatuloy lang sa paglangoy
'Di pa 'ko nakakita at alam kong ito'y kumunoy ('Di ko na kailangan pang makakita)
Kumunoy, kumu— kumu— kumunoy
Muli't muling magliliyab ang init ng aking apoy
'Di ko man alam dala ng bukas, ang sagot ko, "hoy!" (Hoy!)
'La akong pake kung ito'y kumunoy
Kumunoy, kumu— kumu— kumunoy

Salamat, oh, aking Ama
Patuloy ang paglaban sa
Aking isipan
Napupupuno na ng kadiliman, ah-ah, ah
Calificar Canción
Sé el primero en votar

¿Quién escribió "KUMUNOY" de Pablo (SB19)?

Pablo (SB19)

¿Cuándo salió "KUMUNOY" de Pablo (SB19)?

13 de septiembre del año 2024

Pablo (SB19) foto

Pablo (SB19)

1 visitas
0 Favoritos
Favorito

Comentarios

Inicia sesión para comentar

Todavía no hay comentarios. ¡Sé el primero!

Lee la letra completa de Kumunoy interpretada por Pablo (SB19). Descubre el video musical, la información del sencillo y explora más letras, álbumes y colaboraciones del artista en QLETRAS.COM.

Entra a tu cuenta
Inicia sesión o crea tu cuenta para enviar letras y guardar tus favoritas
o con tu correo
¿Todavía no tienes cuenta? Créala aquí
Recuperar contraseña
Escribe tu correo y te enviaremos un enlace para crear una nueva contraseña
¿Ya lo recordaste? Inicia sesión
Crea tu cuenta
Únete para enviar letras y guardar tus canciones favoritas
¿Ya tienes cuenta? Inicia sesión