Letra Di Mapakali - Pattia
Pumapayo pa sa buhay ng iba
Pero ‘pag usapang tayo na
Ako’y tangang-tanga
Tila nabibingi ako sa paligid
O tinig mo lang ang aking naririnig
Lahat ng ‘yong sasabihin sa’ki’y may kulay
Kaya ‘wag mong susubukin, puso sayo’y bumibigay
‘Di na ako mapakali
Nakailang, “‘Yun na’ng huli”
Hindi ako makawala
Kahit walang napapala
Damdamin ko’y nilalaro
Senyales mong halu-halo
Bakit ba paborito kong
Masaktan ng katulad mo? Oh
Hindi sa sinisisi ka, ah-ah-ah
Pero ba’t kasi gumatong pa?
Kung wala namang pag-asa, ah-ah-ah
Ba’t mo pinaasa?
Tila nabibingi ako sa paligid
O tinig mo lang ang aking naririnig
Lahat ng ‘yong sasabihin sa’ki’y may kulay
Kaya ‘wag mong susubukin, puso sayo’y bumibigay
‘Di na ako mapakali
Nakailang, “‘Yun na’ng huli”
Hindi ako makawala
Kahit walang napapala
Damdamin ko’y nilalaro
Senyales mong halu-halo
Bakit ba paborito kong
Masaktan ng katulad mo?
At rumurupok ako nang tanging dahil sa’yo
Humakbang mang papalayo pero ‘pag tinawag mo
Kusa ‘kong babalik-balik nang hindi nag-iisip
Handa kunwaring masaktan, balik iyak sabay tahan
‘Di na ako mapakali
Nakailang, “‘Yun na’ng huli”
Hindi ako makawala
Kahit walang napapala
Damdamin ko’y nilalaro
Ng senyales mong halu-halo
Bakit ba paborito kong
Masaktan ng katulad mo?
‘Di na ako mapakali
Mukhang lalapit pang muli
Hindi ako nadadala
Kahit walang napapala
Damdamin ko’y nilalaro
Senyales mong halu-halo
Bakit ba paborito ko’y ikaw?
Completa los créditos de esta canción
Para aportar necesitas una cuenta. Crearla toma unos segundos.
- Agregas productores, escritores, distribuidora o sello
- Los revisamos y los publicamos
- Ganas 3 puntos por cada dato aprobado
Letras de canciones más vistas
Artistas más populares
Lee la letra completa de Di Mapakali interpretada por Pattia. Descubre el video musical, la información del sencillo y explora más letras, álbumes y colaboraciones del artista en QLETRAS.COM.